Saturday, September 8, 2012

JELDAPER!!

A few days ago, nabiktima ng holdup ang isa sa board mate kong merlat, si Claire. Nangyari to mga 9PM na nung malapit na sya sa boarding house galing sa trabaho. O di ba, nakakaloka, ang lakas ng loob ng hinayupak! I’ve heard from the chismisan of our fellow neighbors eh may kasama daw na naka-motor ang walanghiyang holdaper. No wonder na malakas ang loob nya na mang-holdup ng ganong oras.
My partner and I had a haircut before it happened. We had our dinner on the same mall where the barbershop is located and then we head home afterwards. Pagkababa na pagkababa namin ng jeep, na-sightsulla na namin na ang daming utaw sa labas ng boarding house. Na-shakira pa nga aketch nung nakita ko yung isang kuya na may hawak na mahabang tubo. Akala ko nga may riot sa kanto namin. HEHEHE! Pero mas na-shakira ako nung pagpasok namin sa gate e andun halos lahat ng board mates namin sa baba at si Claire na “keep on bleeding” ang left-hand. So may I ask ako sa mga merlat kung ano ang nangyari. At yun na nga, si Claire ang newest victim ng holdup-an samin. Naawa ako sa itsura nya kasi obvious na na-trauma sya sa nangyari. She’s trembling in fear. And as for me, I don’t know what to do. I want to comfort her but I don’t know how.
Good thing at mabait ang landlady namen as well as her husband. Since may car sila, dinala nila si Claire sa nearest police station para makapag-file sya ng blotter report. Unfortunately, hindi nya namukhaan ang hayup na holdaper. TSK!
For the meantime, we had an arrangement for which my partner agreed, na susunduin nya si Claire from work which is just a few minutes’ walk. Then we’ll see and hopefully maka-get over sya sa nangyari. Each day we’re trying our very best to make things better and lighter for her para ma-divert na din ang isip nya sa nangyari kasi there are still instances na naiiyak sya. May time pa nga na binangungot ata sya, according to her roommate. SIGH!
You know what, aside sa wish ko na maka-move on si Claire e yung magkaron ng malubhang sakit yung hayup na holdaper na yun, na unti-unti syang mahirapan na tipong mas gugustuhin nya na lang na mamatay. Tuwing naaalala ko yung nangyari e lalo akong nanggigigil dun sa hinayupak na holdaper. Nakakabwisit. Kung napaaga lang kami ng uwi nun, baka naabutan namin si gago at ako mismo ang gugulpi sa kanya, kaso hindi e. Yun din ang isa sa kinaiinis ko. SIGH! At sana mabigat din ang sintensya sa mga holdaper no, para hindi na makapagpyansa o makalaya, kasi may tendency pa na balikan nila yung mga biktima nila o baka mas malala pa dun. DAVAH?!
Wish ko lang, Ate Vicky. Super wish ko lang!
Pero mga kapanalig, just a piece of advice, super ingat tayo dahil super iba na talaga ang panahon ngayon. It's better to be safe than sorry, ika nga. At sa mga ganitong sitwasyon, if the going gets tough, please surrender your belongings to them at wag nang manlaban if you still treasure your dear life. Mas valuable pa rin ang beauty natin above all. **wink**
Stay safe! ♥


2 comments:

  1. Musta ka na? Hope you'll blog soon :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. already working on it..na-miss ko na nga din magpost..
      thanks! =)

      Delete